Pabor ka bang ibalik ang death penalty?

vuukle comment

“Ibalik na ang bitay. Ang taas ng krimen sa bansa. Wala nang takot ang taong gumawa ng kasalanan. Oras na para ibalik ang parusa ng kamatayan. Kawawa naman ang mga inosenteng mamamayan na biktima ng krimen.” – Maricel, Tondo

“Huwag na hindi bitay ang solusyon sa krimen, kundi trabaho. Marahil ay kapit lang naman sa patalim ang mga tao. Kung mabibigyan ng trabaho ang lahat hindi sila mapipilitan na gumawa ng masama. – Celine, Bohol

“Tama lang na ibalik ang death penalty. Para matakot ang mga Pinoy na gumawa ng mali. Para bumalik ang kapayapaan sa bansa. Kung may bitay ay mag-iingat ang mga to na masangkot sa krimen. – Bethsy, Bacolod

“Gaano kasigurado na mababawasan ang krimen. Tiyak gagamitin ito ng mga taong may pera para mambiktima ng mahihirap. Paano kung madiin ang taong walang kasalan? – Jo­celyn, Makati

“Basta ba siguraduhin na lahat ay dumaan sa tamang proseso na maparusahan ang totoong may sala. Kailangan ito ng ‘Pinas ngayong panahon na walang takot ang mga tao na pumatay ng mga inosenteng indibidwal. – Sam, La Union